Sunday, May 7, 2017
Anong AQ? Baka "KYO!.... U EH!....YOU EH!": SA PILA LAGUNA
Friday ng ala sais ng gabi ay naka handa na ang bag ko. Isasama nga daw ako ni Coy sa Pila, Laguna at sabay na kami ni Irma. Abangan na lang namin ang sasakyan ni Ric sa EDSA. Unang kita ko kay Ric ay medyo naiilang ako. Hindi mabigat ang dating nya pero hindi rin magaan. Bago pa man kasi ay na brief na ako ni Coy na huwag ko daw tatawagin na intsik si Ric at medyo huwag muna feeling close. Insulto pala sa mga Chinese ang tawagin silang intsik. Hindi maganda ata ang dating sa kanila ang salitang iyon. Pormal na bading sya kaya naman sila sila lang halos ang naguusap sa sasakyan habang papunta sa resthouse. May idea na rin ako na it's a tie sila ni Coy kung pag booking ang paguusapan. May makakaligtas pa ba naman kay Irma. Bago pa man ako na brief ni Coy ay nauna na si Irma, at tama nga. Tie nga sila. Kasa kasama din namin noon si Ka Hector, ang PA ni Ric na talaga namang very 70's ang galawan. Dati syang OFW sa Saudi, malamang ay senior citizen na si Ka Hector ngayon at malamang ay si Coy at Ric din. Si Irma naman ay mga nasa mid 50's na nya ngayon. Hindi ako sure, baka 60 na din sya ngayon.
Tuwing Friday ng gabi ay laging ganon. Masaya naman talaga. Nakaka relax. Siempre kami ni Irma ang tandem sa inom pagkatapos dinner na kami kami na rin ang naghahanda. Maya maya ay anjan na rin ang mga bagetz na mula sa kalapit na bayan gaya ng San Pablo o mismong mga bagetz na nakatira sa Pila. Minsan dalawa...minsan tatlo. Basta lagi silang may tig isa. In fairness ay may mga hitsura at in fairness ay lumabas ang kabaklaan ni Ric. It's a tie talaga. Kaya medyo hindi na ako nailang at nakakausap ko na sya ng natural. Ang totoo ay hindi naman talaga kuripot si Ric. Fair and square kung baga. Businessman eh. Matiyaga pala talaga ang mga Chinese sa business. Andon ung bibili sya ng maliliit na puno ng Mahogany at ipapatanim nya, after 10 years daw kasi ay ganap na puno na sya at nagkakahalaga ng P10,000.00 isa. Sya ang nagma may ari noon ng malaking department store sa kanto ng MRT sa may papuntang PICC. RTW ang linya ng business ng pamilya. Ayon kay Coy ay close to being billionaire daw si Ric. Hindi nga lang halata. Pero ang balita ko ngayon ay parang hindi na ganon. At least milyonaryo pa din. Minsan nagttxt sya noon na bakit daw si Coy ay alaga ko ata sa mga booking kapag nasa Nuevo. Sya rin daw. Hahaha. Kaya naintindihan ko na ang ibig sabihin ni Coy na dapat medyo distansya ako. Tsaka tuwiran naman na sinasabi ni Coy sa akin na huwag daw. As in huwag. Kasi tiyak nga daw na ganon ang mangyayari. Ang mag ask ng bagetz. Gusto ni Coy sya lang. Nabasa ko na ganon.
Si Coy ay isa namang executive sa isang kilalang insurance company ng ating bansa. Head ata sya ng Comptroller o isang Vice President. Magsasampung taon na halos ng naisipan nyang pumunta ng California. Tatlong doble daw ata ng sueldo nya dito ang susuelduhin nya don. Malaki pala talaga. Ang kita nya dito ay P100,000.00 kada buwan. Mabait naman at simpli lamang si Coy. Mahilig sa pagkain at mga signature na gamit. Simpli nin a way na hindi nya ito ipinagyayabang. Ayaw mag car. Tinatanggihan ang bigay ng kumpanya. Mataas daw ang maintenance. Galante at mabait naman talaga. Iyon nga lang. Ang bagetz ay bagetz naman talaga. Ganon din si Ric. Basta deadma sila kapag bagetz, Getz? Medyo tama din doon si Irma.
May mga pagkakataon na dalawa ang bagetz sa Pila. Wala na noon sa eksena si Irma. Kako ay total tapos na naman sya ay paamot naman ang may akda ng blog na ito, hahaha. Katwiran ko ay hindi naman nya talaga syota. Isa sa mga bisita lamang tuwing pumupunta kami doon. Kontak kung baga. Nalasing talaga ata ako noon at nag blangko ang aking isipan. Kasi anong klaseng pagkakaibigan ba naman ito sa isip isip ko? Tapos na sila ay ayaw pa i share. Matutulog na daw kasi sila at magkatabi. Sabi ko ay hala grabe. Hindi pala talaga ako makaka pila. Iyong isang intsik naman ay andon din at katabi ang bagetz nya sa mala babaihan nyang kama na may kulambong pang kondesa. Ang lalaki kasi ng mga lamok doon. Halos gubat eh.
Ayon nga at lumabas din ang tunay at natural na talak ni Ms JV. Grabe kayo!!!
Mga hidhid! Lalo ka na Coy!!!. Naloka at nanahimik ang mga kuliglig sa kapaligiran ng mga sandaling iyon. "Ikaw kapag nasa Nuevo ka ay sagot ko ang mga bagetz mo doon!!! Tapos ganito??? Talak!!! Talak!!! at talak!!.
Kinabukasan pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na ako. Sabado pa lamang iyon. Karaniwan kasi ay Linggo kami umuuwi.
Hindi na ako sumasama mula noon sa Pila. Pero makalipas ang ilang buwan ay nagkabati kami ni Coy at ikinuento nya na magkaaway daw sila si Ric ng dahil sa bagetz. Nag ahasan pala ang dalawa. Sabi ko paano nangyari? Syota ata ni Ric at napunta sa kanya. Ahhhh...inahas mo?? Hindi daw. Mahabang istorya daw. Pero malamang. It's a tie ba naman sila eh;-). Sa isip isip ko ay "hindi nakakapagtaka".
Bago sya pumunta sa Califonia ay ibinigay ko pa sa kanya ang isa sa mga naging bagetz ko. Alay. Nakakahiya naman kasi eh. Hindi nya ako mabigyan kaya sya na lamang ang binigyan ko ulit. May peg pa na nagseselos daw ako. Santisima. Ibinigay na nga sa kanya ay may issue pa. Sa aking room pa. Masakit un ah. Ganon katindi sa taas ang tolerance ni Ms JV sa pain. Makabawi lamang sa pagkakamali. Matangkad na lalaki siempre. Lahat sa kanya ay matangkad ata;-). Ang tantya ko ay sila na ang naging magsyota ngayon kahit nasa California na sya.
Ilang taon pa ang lumipas ay nagkita kami ni Ric. Minsan pumupunta sa bahay. Pero hindi naman din pagkakaibigan ang pakay kundi booking. Bagetz. Nasarkastikahan ata sa dila ko kaya ayon hindi na bumalik mula noon. Ang balita ko ngayon ay magkabati na sila ni Coy. Sila talaga pala ang bagay na magkaibigan. Napagtanto tanto ko. Hindi na rin kami nagkita ni Coy mula noon. Isang intsik at isang Pinoy na naging kaibigan ko. Parehong pareho lamang sila kapag bagetz ang paguusapan.
Kaibigan na may mga kahinaan. Masasabi ko na kahit sa maliit na paraan ay inintindi ko ang dalawang rararara na mga naging kaibigan. Pero ang aking kahinaan sa tingin ko ay hindi nila naintindihan kahit kelan.
-fin
Subscribe to:
Comments (Atom)